Friday, July 18, 2014

Naidulot ng bagyong Glenda sa Pilipinas



Malawakang brownout ang naranasan ng mga Pilipino dulot ng bagyong Glenda.


Ilang araw bago ang nasabing bagyo ay nagbigay ng babala ang PAGASA hinggil sa bagyong darating.Kung kayat nakapaghanda ang karamihan sa mga mamayan,ngunit sadyang napakalakas ng bagyong Glenda. Malakas na hangin at ulan ang siyang naging dahilan ng mga pinsalang natamo ng mga tao.Maraming puno ang natumba sa mga lansangan.




http://www.inquirer.net/videos/afp/typhoon-glenda-ap-afp.jpg
Matapos ang bagyo ay makikita sa mga evacuation center ang karamihang pamilya na lubhang naapektuhan.Inaasahan na maraming mga tulong na magmumula sa ibat-ibang ahensya ng gobyerno para sa mga nawalan ng tahanan.Maraming paaralan ang nawalan ng klase dahil sa pagkasira ng mga paaralan.Gaya ng inaasahan ang mga lugar na bahain lalo sa parteng Maynila ay apektado rin.Isa na namang pagsubok ito para sa Pilipino ngunit gaya ng nakaraang malalakas na bagyong dumating sa Pilipinas,bawat isa ay sama samang bumabangon at nagtutulong tulong.



No comments:

Post a Comment